Friday, May 16, 2014

Pagkakamot ng Mata Isa Sa Dahilan Ng Pagkakaroon ng Astigmatism

eye exercises with The Program for Better Vision

Eye Care Tips


Bago ko simulan ang Eye Care tips natin gusto ko ipakita syo ang iba ibang parte ng ating mata, para mas maunawaan mo kung anu parte ng mata ang apektado sa Astigmatism. Nakikita mo ba yun cornea? Kapag meron kang Astigmatism ang cornea or salamin ng ating mata ang apektado.
Ang malala na case ng Astigmatism ay tinatawag na Keratoconus nakung saan ang hugis ng cornea ay nagiging cone shape.

Anu Ang Astigmatism?


Ang Astigmatism ay pagkakaroon ng hindi pantay curvature ng cornea. Ang normal cornea ay spherical ang shape at smooth ang ibabaw nito, pero kapag meron ka Astigmatism nagiging bakubako ang ibabaw ng cornea natin na nagiging dahilan ng pag labo ng ating paningin.

Ang Astigmatism ay isa sa common eye condition, bata o matanda ay pwedeng magkaroon ng astigmatism. Ito ay pwedeng ipinangak na meron Astigmatism or pwede ding na develop lang dahil sa enviromental factors tulad ng pagkakaroon ng inpeksyon sa mata, trauma sa mata, scar dahil sa aksidenteng pakatusok o pagkahiwa ng cornea, at isang bagay na gusto ko malaman mo ay ang PAGKAKAMOT NG MATA. Dahil sa pressure na binibigay natin sa mata nasisira ang natural na shape ng cornea.Madami sa atin ang hindi natin na papansin na kinakamot natin ang ating mga mata, dahil ito at naging habit na natin na akala natin ay walang masamang epekto sa atin,hindi natin alam na tayo mismo ang sumisira sa ating mata sa tuwing kinakamot natin ito.

Mga Dahil Ng Pagkakamot ng Mata:


  • Allergy- kapag ikaw ay may skin allergym rhinitis madalas apektado ang ating mga mata.
  • Matagal na pagtitig sa isang bagay-tulad ng pagccomputer, Kapag nakatitig tayo sa computer nakakalimutan natin kumurap,Ang normal na rate ng pagkurap ay 12 to 15 times per minute. Kapag kumukurap tayo ng mas mababang bilang  natutuyo ang ibabaw ng ating mata at nagiging dahilan ng pangangati.
  •   Ang mga bata iyakin- ay kadalasang nagkaron ng Astigmatism.
  • Pagkakaroon ng Pilik mata na ang tubo ay papasok imbes na palabas na tinatawag na (Trichiasis). Kung ipinanganak ka na merong Trichiasis maaaring hindi mo na napapansin na kinakayod ng iyong pilik mata ang iyong cornea. Ito ay pweding maging dahilan ng infection at panlalabo ng paningin.

Symptoms Ng May Astigmatism?


  •  Pag labo ng paningin sa malayo at sa malapit
  • distorted vision
  • eyestrain
  • pagkasilaw
  • squinting
  • eye irritation
  • sakit ng ulo

Anu Ang Treatment  Sa Astigmatism?


Ang pag mamanage ng isang pasyenteng may Astigmatism ay iba iba ang approach depende kung anu ang dahila nga pagkakaroon ng Astigmatism.

  • Kung inborn ang dahilan dalasan ay Salamin or Contact Lenses.

  • Kung allergy ang dahilan kelangan magamot ang allergy na nagiging dahilan ng pangangati ng mata. Kadalasan kung hindi mataas ang grado ng astigmatism pinapagaling lang muna ang allergy, dahil ang grado nito ay pwede pang mawala kung maibalik ang normal shape ng cornea sa pamamagitan ng hindi pagkakamot at madalas na pagkurap. Pero kung ang Astigmatism ay mataas na ang grado kenakailangan mag salamin ang pasyente dahil mahirap ng mawala or pwedeng hindi na mawala ang grado nito. Hindi ko nirerecommend na mag Contact Lenses ang pasyente na may allergy dahil pwedeng mas mag react o lalong lumala at magkaroon ng allergic reaction sa contact lenses at sa mga solution na gagamitin ang pasyente. 

  • Kung pagkatuyo ng mata kelangan mabigyan na mga eyedrops para ma lubricate ang ibabaw ng mata at ugaliing kumurap kapag nasa harap ng computer or nagbabasa.

  • Kung Trichiasis  kelangan tanggalin ang pilik mata na nagiging dahilan ng pagkayod sa cornea. Ang pag tanggal ay depende sa severity or dami ng pilik mata na apektado. Kung konti lang plucking lang ang ginagawa, pero kung maraming pilik mata electrology, specialized laser or surgery ang ginagawa.
 Kung sa tingin mo nararamdaman at nararanasan ang mga ito magkunsulta  ka sa Optometrist upang ma check up ang iyong mga mata at maiwasan ang pag lala ng Astigmatism.

Don't Forget to Share to You Friends If You Care.






SEE WITHOUT ANNOYING READING GLASSES: This doctor-developed Read Without Glasses Method is the only natural way to sharpen your eyesight without reading glasses or surgery - in only minutes a day at home. Read these success stories.

eye exercises with the Program for Better Vision

6 comments:

  1. Mmmm...my astigmatism nga ako��
    ...lagi aq nkaharap sa laptop...maximum of 8 hours a day...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello madalas k bang magkamot ng mata? hindi po healthy ang derederetsong nakaharap sa computer hindi lng po mata ang naaapekyuhan kundi buo katawan natin

      I hope may regular eye check up po kayo para hindi na tumaas ang astigmatism nyo.

      Delete
  2. tanong ko lang po,bakit po kaya kong palabuin ang aking mata

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang mata po natin ay parang camera may zoom in and out... may muscle na responsible para maka focus tayo sa malapit. kaya kaya mo palabuin ang mata mo ay very active muscle mo at kaya mo control. pero kadalasan mga bata ang nakakagawa nito kapag approaching 40 years old na tayo madalas hirap n natin macontrol ang muscle na ito.

      Delete
  3. mam ako poh ay my gradong 300 sa salamin ano poh magandang gawin para bumalik ang pag linaw ng mata ko


    kenneth.roxas1492@gmail.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. kyo po ba aye nearsighted or farsighted... kasi kung nearsighted hindi na po bumababa yan unless noong kunuhanan ka ng grado ay sobra pagod mata mo pwede itong mabago pero kung hindi po at ito talaga ang totoong mong grado ay hindi na ito baba. ang pede mo gawin any refractive laser para luminaw ulit ang mata mo.

      I hope meron kang regular eye check up para maalagaan ang mata mo.

      Delete