Dr. Carol Andrade.com
Hello, I am Dr. Carol Andrade, I am a License Optometrist. I am a graduate of Centro Escolar University 2001, I had my Ocular Pharmacology in Manila Central University last 2012. I am a Resident Pediatric Optometrist in Del Mundo Pediatric and Adult Eye Clinic from 2011-2013.Welcome to my blog site. I just want to use this site to educate people on how to take care of their eyes. And what to expect in different eye problems like blurring of vision, eye irritation, headache and more.
Monday, October 2, 2017
Thursday, May 22, 2014
How To Avoid Ocular Stress
Eye Care Tips
Kapag nagccomputer,nagbabasa or anything na may ginagawa na malapitan, make sure na nagpapahinga ang ating mga mata every 15 minute at tumitingin tayo sa malayo. kung meron binta sa kwarto nyo, tumingin lang sa malayo at least 30 seconds. Importante ang vision breaks kapag nagttrabaho ang ating mata sa malapit.
1. Vision Breaks- Ang ating mata at lahat ng mga muscles na resposible para makapag focus tayo ay napapagod kapag derederetso tayong nakatingin sa malapit. At kapag tumitingin tayo sa malayo ay nakakapagpahinga o naakakarelax ang ating mata.
2. Blinking- Sa huling post ko na discuss ko na ang importance ng Blinking, isa sa maliking bagay na lagi natin nagagawa para mawala ang stress ng ating mga mata. At para mapanatili natin malusog ang ating cornea.
3. Proper Light- make sure na meron tamang ilaw sa tuwing nagbaba. Ang ilaw ay dapat na nasa ibabaw ng ating binabasa at hindi na sa likod na pwedeng mag form ng shadow. Kapag madilim mas napapagod ang ating mga mata na nagiging dahilan ng eye strain at stress.
4. Healthy Diet- ang pagkain ng healthy food ay nakakatulong upang maging malusog ang ating mga mata.
- Green leafy vegetables- spinach , kale
- Fish with Omega 3 - Salmon, tuna
- Nuts- nuts, beans and other non-meat protein sources
- Eggs - hindi common na marinig na ang egg ay Good For The Eyes, Ang egg yolk ay merong yellow-orange pigment na tinatawag na lutein and zeaxanthin, ang mga ito ay caratenoids na nakakapagpababa ng risk of cataract and age-related macular degeneration, kung mapabayaan ay pwedeng maging dahilan ng pagka bulag. At base sa mga studies ang lutein at zeaxanthin na galing sa eggs ay mas madaling maabsorb ng katawan compare sa ibang source nito, kagaya ng green leafy vegetables.
- Citrus fruits - oranges, grapefruit
Huwag na huwag mo gagayahin ang ginagawa ng nasa picture na ito pwedeng madamage ang cornea sa ganitong habit. |
Kung ang lahat ng ito ay nagagawa mo it's good just keep on doing it, Pero kung ang mga ito ay hindi mo pa nagagawa It's never too late to change your habit to improve your eye health.
PLEASE SHARE IF YOU CARE
IF YOU HAVE ANY QUESTION YOU CAN LEAVE YOUR MESSAGE AND I WILL ANSWER IT AS SOON THAT I CAN.
Saturday, May 17, 2014
Why Cornea Is Transparent?
Bakit Nga Ba Transparent ang Cornea?
Ang cornea (bahagi ng mata) Walang direktang pag-supply ng dugo upang mapanatili ang transparency.
Saan kumukuha ng nutrients ang cornea?
Luha
ambient oxygen na galing sa paligid
Aqueous Humor of anterior chamber of eye.
Importante na laging may moisture ang ibabaw ng cornea upang mapanatili nito ang transparency.
Ang pagkurap (blinking) ang naglilinis at nag didistribute ng nutrients sa ibabaw ng ating mata upang mapanatili itong malusog.
TANDAAN: NORMAL NA PAGKURAP (BLINK) AY
12-15X PER MINUTE
KINAKAILANGAN NATIN KUMURAP(BLINK) upang masigurado natin na naibibigay natin ang tamang supply ng nutrients sa atin cornea.
SHARE WITH YOUR FRIENDS IF YOU CARE
Friday, May 16, 2014
Ice Can Soothe Eye Itchiness
Eye Care Tips
Ice Maaari Paginhawahin ang Pangangati Ng Mata.
Sa Tuwing Kumakati Ang Mata Ugaliin ang mga sumusunod:
- Siguraduhing laging malinis ang kamay
- Hugasan ang mukha at paligid ng mata
- Lagyan ng malinis na ice bag o malamig na towel ang ibabaw ng mata para pansamantalang mawala ang pangangati upang maiwasan ang pagkakamot ng mata.
Para malaman ang dahilan ng pangangati ng mata kumunsulta sa Optometrist.
Don't Forget to Share to You Friends If You Care.
Pagkakamot ng Mata Isa Sa Dahilan Ng Pagkakaroon ng Astigmatism
Eye Care Tips
Bago ko simulan ang Eye Care tips natin gusto ko ipakita syo ang iba ibang parte ng ating mata, para mas maunawaan mo kung anu parte ng mata ang apektado sa Astigmatism. Nakikita mo ba yun cornea? Kapag meron kang Astigmatism ang cornea or salamin ng ating mata ang apektado.
Ang malala na case ng Astigmatism ay tinatawag na Keratoconus nakung saan ang hugis ng cornea ay nagiging cone shape.
Anu Ang Astigmatism?
Ang Astigmatism ay pagkakaroon ng hindi pantay curvature ng cornea. Ang normal cornea ay spherical ang shape at smooth ang ibabaw nito, pero kapag meron ka Astigmatism nagiging bakubako ang ibabaw ng cornea natin na nagiging dahilan ng pag labo ng ating paningin.
Ang Astigmatism ay isa sa common eye condition, bata o matanda ay pwedeng magkaroon ng astigmatism. Ito ay pwedeng ipinangak na meron Astigmatism or pwede ding na develop lang dahil sa enviromental factors tulad ng pagkakaroon ng inpeksyon sa mata, trauma sa mata, scar dahil sa aksidenteng pakatusok o pagkahiwa ng cornea, at isang bagay na gusto ko malaman mo ay ang PAGKAKAMOT NG MATA. Dahil sa pressure na binibigay natin sa mata nasisira ang natural na shape ng cornea.Madami sa atin ang hindi natin na papansin na kinakamot natin ang ating mga mata, dahil ito at naging habit na natin na akala natin ay walang masamang epekto sa atin,hindi natin alam na tayo mismo ang sumisira sa ating mata sa tuwing kinakamot natin ito.
Mga Dahil Ng Pagkakamot ng Mata:
- Allergy- kapag ikaw ay may skin allergym rhinitis madalas apektado ang ating mga mata.
- Matagal na pagtitig sa isang bagay-tulad ng pagccomputer, Kapag nakatitig tayo sa computer nakakalimutan natin kumurap,Ang normal na rate ng pagkurap ay 12 to 15 times per minute. Kapag kumukurap tayo ng mas mababang bilang natutuyo ang ibabaw ng ating mata at nagiging dahilan ng pangangati.
- Ang mga bata iyakin- ay kadalasang nagkaron ng Astigmatism.
- Pagkakaroon ng Pilik mata na ang tubo ay papasok imbes na palabas na tinatawag na (Trichiasis). Kung ipinanganak ka na merong Trichiasis maaaring hindi mo na napapansin na kinakayod ng iyong pilik mata ang iyong cornea. Ito ay pweding maging dahilan ng infection at panlalabo ng paningin.
Symptoms Ng May Astigmatism?
- Pag labo ng paningin sa malayo at sa malapit
- distorted vision
- eyestrain
- pagkasilaw
- squinting
- eye irritation
- sakit ng ulo
Anu Ang Treatment Sa Astigmatism?
Ang pag mamanage ng isang pasyenteng may Astigmatism ay iba iba ang approach depende kung anu ang dahila nga pagkakaroon ng Astigmatism.
- Kung inborn ang dahilan dalasan ay Salamin or Contact Lenses.
- Kung allergy ang dahilan kelangan magamot ang allergy na nagiging dahilan ng pangangati ng mata. Kadalasan kung hindi mataas ang grado ng astigmatism pinapagaling lang muna ang allergy, dahil ang grado nito ay pwede pang mawala kung maibalik ang normal shape ng cornea sa pamamagitan ng hindi pagkakamot at madalas na pagkurap. Pero kung ang Astigmatism ay mataas na ang grado kenakailangan mag salamin ang pasyente dahil mahirap ng mawala or pwedeng hindi na mawala ang grado nito. Hindi ko nirerecommend na mag Contact Lenses ang pasyente na may allergy dahil pwedeng mas mag react o lalong lumala at magkaroon ng allergic reaction sa contact lenses at sa mga solution na gagamitin ang pasyente.
- Kung pagkatuyo ng mata kelangan mabigyan na mga eyedrops para ma lubricate ang ibabaw ng mata at ugaliing kumurap kapag nasa harap ng computer or nagbabasa.
- Kung Trichiasis kelangan tanggalin ang pilik mata na nagiging dahilan ng pagkayod sa cornea. Ang pag tanggal ay depende sa severity or dami ng pilik mata na apektado. Kung konti lang plucking lang ang ginagawa, pero kung maraming pilik mata electrology, specialized laser or surgery ang ginagawa.
Don't Forget to Share to You Friends If You Care.
SEE WITHOUT ANNOYING READING GLASSES: This doctor-developed Read Without Glasses Method is the only natural way to sharpen your eyesight without reading glasses or surgery - in only minutes a day at home. Read these success stories.
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Eye Care Tips Bago ko simulan ang Eye Care tips natin gusto ko ipakita syo ang iba ibang parte ng ating mata, para mas maunawaan...
-
Bakit Nga Ba Transparent ang Cornea? Ang cornea ( bahagi ng mata ) Walang direktang pag- supply ng dugo upang mapanatili ang...